Mga katanungan ukol sa COVID-19 Vaccine Efficacy
Mga katanungan ukol sa COVID-19 Vaccine Efficacy
TIGNAN: Alamin ang mga kasagutan sa Frequently Asked Questions (FAQs) tungkol sa COVID-19 Vaccine Efficacy.
Alamin ang tamang impormasyon! Tara sa BIDA BakuNATION!
Mga katanungan ukol sa COVID-19 Vaccine Efficacy
1. Ano ang vaccine efficacy?
Ang efficacy ay ang pagpapababa ng incidence ng sakit sa isang grupo ng mga tao na nabigyan ng bakuna, sa ilalim ng optimal conditions gaya ng isang randomnized clinical trial.
2. Paano nalalaman ang vaccine efficacy sa mga clinical trial?
Madalas inaaprubahan ang mga bakuna base sa resulta ng tatlong (3) stage ng clinical trials. Layunin ng trials na masuri ang panandaliang kaligtasan (short-term safety), abilidad na bumuo ng immune response, at efficacy.
Tinutukoy ng Phase III trial, ang pinaka-madetalye sa buong proseso ng trial, ang efficacy ng isang bakuna na nakasailalim sa trial – madalas kinukumpara ito sa isang placebo, o isang injection, gamot o kemikal na walang epekto sa katawan at kahawig ng bakuna na nakasailalim sa trial pero hindi kapareho nito. Sa phase III trial, madalas libo-libong tao ang binibigyan ng placebo, at matinding binabantayan ang mga kondisyon ng mga tao na ito ng ilang buwan para makita kung ang mga taong nakatanggap ng totoong bakuna ay mas hindi nagkakasakit kumpara sa mga taong nabigyan lamang ng placebo.
3. Paano sinusukat ang efficacy?
Para sa mga COVID-19 vaccine trials, ang pangunahing baryante na sinusukat ay ang pagkakaroon ng isang tao ng COVID-19 na may sintomas (symtomatic). Ngunit, sinusukat din nito ang iba pang baryante tulad ng pagkakaroon ng matindi o severe na COVID o pagka-ospital dulot ng COVID-19.
4. Tuluyan bang napipigilan ng isang bakuna na makakuha ng COVID-19 ang isang indibidwal?
Hindi. Walang bakuna na nakakapagbigay ng 100% na proteksyon laban sa COVID-19. Madalas inaabot ng ilang linggo para makabuo ang katawan ng immunity laban sa isang sakit pagkatapos mabakunahan. Kaya naman, posible na mahawaan ng isang tao ng virus na nagdudulot ng COVID-19 bago o pagkatapos mabakunahan at magkasakit dahil hindi pa sapat ang oras para makapagbigay ng proteksyon ang bakuna.
5. Tuluyan bang napipigilan ng isang bakuna na makahawa ng COVID-19 ang isang indibidwal?
Hindi. Ang mga bakunang mayroon ngayon ay hindi pangunahing sinuri batay sa abilidad nitong pigilan ang pagkakahawaan ng COVID-19. Kaya dapat ay patuloy natin gawin ang minimum public health standards at BIDA behaviors – bawal walang face mask at face shield, i-sanitize ang kamay, dumistansya ng isang metro, at alamin ang tamang impormasyon.
6. Gaano katagal ang immunity na binibigay ng isang bakuna?
Dahil sa maikling panahon ng obserbasyon para sa Phase 3 trials, hindi pa tiyak ang aktuwal na tagal ng immunity na binibigay ng isang bakuna.
7. Ano ang efficacy rate ng mga nagagamit na bakuna?
Ngayon, tanging datos sa vaccine efficacy (VE) lang ang mayroon dahil ang effectivity ay nakadepende sa marami pang ibang bagay na nangangailangan ng mas mahabang obserbasyon. Dagdag pa rito, magkakaroon lamang ng datos sa efficacy pagkatapos ng Phase 3 clinical trial.
mRNA-1273 (Moderna) VE: 94.1% (95% CI 89.3-96.8%)
BNT162b2 (Pfizer/BioNTech) VE: 94.7% (95% CI 90.3-97.6%)
ChAdOx1 nCoV-!9 (OXford/AstraZeneca) VE: 70.4% (95% CI 54.8-80.6%)
Datos mula sa Vaccine Cluster’s Task Group on Vaccine Evaluation and Selection nitong 01 March 2021.
8. Paano bibigyang kahulugan ang iba’t ibang efficacy rate ng mga bakuna? Mayroon bang mas nakakaangat kaysa sa iba?
Dahil sa pangangailangang dulot ng pandemya, panganib na dulot ng sakit, at limitadong supply ng bakuna kontra sa COVID-19, tiyakin natin kung kaya ba ng isang bakuna na protektahan ang mga Pilipino laban sa COVID-19.
Ang mga bakuna na binigyan ng EUA ng Philippine FDA, at siyang sinuri ng mga eksperto ay kapani-pakinabang para sa ating kasalukuyang pangangailangan base sa ebidensyang mayroon tayo. Mas mabuti nang may proteksyon ng isang bakuna na may EUA kumpara sa walang proteksyon.
Pinagmulan: @PIA_RIII via @DOHgovph (Department of Health)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mga katanungan ukol sa COVID-19 Vaccine Efficacy "