On

Gaano kataas si Jose Rizal?


Alam mo ba?


Nadiskubre ng historian at journalist na si Ambeth Ocampo na si Dr. Jose Rizal ay may taas na 161 cm o 5'3" ft!


Ito ay matapos niyang makita ang impormasyong ito sa isa sa mga kuwaderno ng ating Pambansang Bayani noong siya ay nasa ika-19 na taong gulang pa lamang.


Ayon kay Ocampo, sa isa sa mga kuwardeno ni Rizal, nasusulat sa wikang Espanyol ang mga katagang, "Jose Rizal de 19 aƱos dias 1 metro 61 centimetres de" o sa wikang Filipino, "Jose Rizal, 19 taong gulang, 1 metrong 61 sentimetro ang taas."


Ngayong ika-162 kapanganakan ng ating Pambansang Bayani, tayo'y magbalik-tanaw sa makulay na buhay ni Gat Jose Rizal.


Pinagmulan: @lbp_official


Mungkahing Basahin: