On
Ano ang Loterya ?


Ang Loterya ay isang sugal.


Panahon pa lang ng mga Espanyol ay nasa kamalayan na ng mga Pilipino ang sugal na loterya. Taong 1833 pa lang nang una itong ipinakilala sa atin ng mga Espanyol, at dahil nasa ugat na ng mga Pilipino ang sugal mula pa noong prekolonyal na panahon, mabilis na tinangkilik ang loterya dahil na din mabilis ang proseso ng pagtataya. At upang maisalegal na ang loterya, una itong ginawa sa Maynila noong Enero 29, 1850.


Inilabas ang isang royal decree na pumapayag sa operasyon ng loterya sa Maynila. Dahil dito ay naitatag ang Real Renta de Loteria at ang unang draw ng mga taya ay isinagawa noong ika-21 ng Enero, 1851. Ang Real Renta de Loteria an ninuno ng kasalukuyang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Ang loterya ang ginamit ding instrumento ng pamahalaang Espanyol para mapagkukunan ng kita ng pamahalaan. Maging ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay mananaya rin ng loterya. Nanalo siya ng P 6,200 sa loterya habang nasa Dapitan siya, at ginamit ang napanalunan niya para matustusan ang mga proyekto niya sa Dapitan.


Napilitang ihinto ang operasyon ng loterya noong ika-19 ng Hunyo, 1898 dahil na rin sa Digmaang Espanyol-Amerikano.


Pinagmulan: @socsciclopedia


Mungkahing Basahin: