Skin Cream na Ginamitan ng Space Technology


Ano ang iyong skincare routine para maging fresh and young-looking sa darating na Araw ng mga Puso? Alam mo ba na may skin cream na ginamitan ng space technology?


Sa pamumuno ni Dr. Thomas J. Goodwin, isang mananaliksik at imbentor mula sa Johnson Space Flight Center ng National Aeronautics and Space Administration (@nasa), nabuo ang isang rotating wall vessel (RWV) bioreactor na kayang gayahin ang kondisyon ng microgravity. Sa teorya ni Dr. Goodwin, ang mahabang ekspedisyon sa kalawakan ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan ng mga astronaut dahil sa mga oxidative at toxic products. Matapos ang pag-aaral sa iba’t-ibang human tissue sa loob ng RWV bioreactor, sila ay nakapag-produce ng biomolecules na may regenerative qualities, kasama na rito ang fibroblast para sa cell connectivity.


Sa pamamagitan ng technology transfer, ginamit ng kumpanyang Renuèll Int’l Inc. ang RWV bioreactor sa mga cosmetic products. Base sa kanilang pag-aaral, habang tumatanda ang isang tao, nababawasan ang produksyon ng fibroblast cells sa katawan na nagdudulot ng pagkulubot at ‘di pantay na kulay ng balat. Dito na nabuo ang isang skin cream na ginamitan ng human fibroblast mula sa RWV bioreactor na nakatutulong ibalik ang sigla sa balat at magkaroon ng skin rejuvenation—para sa fresh and young-looking skin!


Mungkahing Basahin: