Hydrogen Peroxide hindi lunas sa COVID-19


TIGNAN: Binigyang linaw ng Kagawaran ng Kalusugan ang isang post ukol sa paggamit ng hydrogen peroxide upang maiwasan ang viral infection gaya ng COVID-19. Mariin na nagbabala ang Departamento laban sa paggamit nito, dahil ito ay walang sapat na ebidensyang nagpapatunay na ito ay epektibong lunas para sa mga sintomas ng COVID-19. Dagdag pa rito, HINDI ITO APRUBADONG gamot o treatment sa sintomas ng naturang sakit.


Eto ang fact!


  1. Ang Hydrogen Peroxide ay hindi aprubadong lunas laban sa COVID-19, at sa kasalukuyan ay walang sapat na ebidensya na nagsasabing epektibo ito laban sa mga sintomas ng sakit.
  2. Ang paggamit nito na hindi ayon sa nirerekomenda ng mga propesyonal pangkalusugan ay maaaring magdulot ng epektong kakailanganin ng atensyong medikal.


Pinagmulan:


  • Department of Health (@DOHgovph) via Effectiveness of hydrogen peroxide as auxiliary treatment for hospitalized COVID-19 patients in Brazil (May 2021)
  • COVID-19 Living Recommendations (September 2021)


Mungkahing Basahin: