Frequently Asked Question Ukol sa Gamaleya Sputnik V Vaccine
Frequently Asked Question Ukol sa Gamaleya Sputnik V Vaccine
Isang paunang supply ng 15,000 na dosis ng mga bakunang Sputnik V ang dumating sa bansa noong Sabado, 3:50 PM, sakay ng Qatar Airways flight.
Alamin ang mga kasagutan sa Frequently Asked Questions (FAQs) tungkol sa COVID-19 vaccine Gamaleya Sputnik V.
Kailan nabigyan ng Philippine FDA ang Gamaleya Sputnik V ng Emergency Use Authorization (EUA)?
Nabigyan ng Philippine FDA ng EUA ang Gamaleya Sputnik V COVID-19 vaccine noong March 19, 2021.
Ligtas ba ang Gamaleya Sputnik V COVID-19 vaccine?
Oo, ligtas ito para sa mga indibidwal edad 18 taong gulang at pataas. Ito ay base sa kasalukuyang datos na mayroon tayo at sa ginawang pagsusuri ng Philippine FDA,na sinang-ayunan ng mga eksperto.
Anong side effects ang dapat kong asahan mula sa bakuna na ito?
Mga karaniwang side effect na dapat mong asahan:
- Pamamaga o pananakit sa parteng nabakunahan
- Lagnat, panginginig sa lamig
- Sakit sa ulo, pananakit ng kasukasuan, pamamaga ng lalamunan, panlalamig, pag-uubo, at sipon
Meron bang posibleng seryoso o nakakamatay na adverse event mula sa bakuna na ito?
Walang naiulat na namatay o malubhang adverse event mula sa phase 3 clinical trials na may 21,977 na kalahok.
Mabisa ba ang Gamaleya Sputnik V vaccine?
Oo, base sa interim results ng mga clinical trial:
- 91.6% epektibo sa pagpigil ng symtomatic na COVID-19, 21 araw mula sa 1st dose.
- 100% epektibo sa pagpigil ng moderate o severe COVID-19, 21 araw mulasa 1st dose.
Sino ang hindi maaaring makatanggap ng Gamaleya Sputnik V COVID-19 vaccine?
Hindi ka maaaring makakuha ng bakuna kung ikaw ay kabilang sa alinman sa sumusunod na kondisyon:
- Edad mas mababa sa 18taon
- Dati nang nakararanas ng malubhang allergy
- Nakaranas ng malubhang allergy (anaphylaxis, convulsive disorder, severe generalized allergic reactions, temperature above 40 C, etc) mula sa 1st dose ng bakuna
- Buntis (kahit ilang buwan) o nagpapasuso
- Wala pang 2 linggo mula nang huling magkasakit, o mula nang atakihin ng chronic disease o pangmatagalang karamdaman
Kapag mayroon nang Gamaleya Sputnik COVID-19 vaccine sa bansa, sino ang unang makakatanggap nito?
Dahil sa limitadong supply at prayoritisasyon, tanging ang priority group A1 (frontline health care workers), A2 (Senior Citizen), at A3 (mga taong may comorbidy) pa lamang muna ang makakatanggap nito.
Alamin kung kasama ka sa priority groups na maaaring makatanggap ng bakunakontra COVID-19 at mag rehistro sa inyong LGU:
bitly/PriorityEligibleGroups
Kapag nabakunahan na ako ng COVID-19 vaccine, makakakuha ba ako ng agaran at optimal na proteksyon kontra COVID-19?
Kapag nabakunahan ka nang 1st dose o 2nd dose, inaabot ng ilang linggo bago makagawa ng immune response ang katawan. Dapat pa ring protektahan mo ang iyong sarili at iyong mahalsa buhay sa pamamagitanng BIDAbehavior:
- Magsuot ng face mask at face shield
- Madalas maghugas o mag-sanitize ng mga kamay
- Iwasan ang mga lugar na matao o walang magandang daloy ng hangin
- Panatilihing may isang metrong distansiya sa iba
Pinagmulan: @PIA_RIII (Philippine Information Agency Gitnang Luzon)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Frequently Asked Question Ukol sa Gamaleya Sputnik V Vaccine "