Adverse Events Following Immunization
Adverse Events Following Immunization
Frequently Asked Questions Ukol sa Adverse Events Following Immunization (AEFI)
1. Ano ang AEFI?
Ang Adverse Events Following Immunization (AEFI) ay ang kahit ano sa mga sumusunod na maaaring mangyari pagkatapos ng pagbabakuna:
a. hindi maganda o hindi inaasahang senyales at/o sintomas;
b. abnormal laboratory finding;o
c. sakit na maaaring mangyari matapos ang pagbabakuna.
Hindi ibig sabihin na may kaugnayan ang paggamit ng bakuna sa mga pangyayaring ito.
2. Ano ang gagawin ng pamahalaan kung nakaranas ang nabakunahan ng AEFI?
Susuriin ang mga naiulat na AEFI at ipadadala sa kanya-kanyang epidemiology surveillance units.
Para sa mga kaso ng malubhang (serious) AEFI, agad na gagawan ng imbestigasyon upang alamin kung may kaugnayan sa bakuna ang adverse effect.
3. Ano ang mga opisinang responsable sa pagsubaybay ng adverse events following immunization?
DOH Epidemiology Bureau
Philippine Food and Drug Administration (FDA)
National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC)
Regional Adverse Events Following Immunization Committee (RAEFIC)
4. Kung may lumitaw na cluster ng AEFI, ihihinto ba ang pagbabakuna?
Agad na aabisuhan ang Epidemiology Surveillance Units at magkakaroon ng imbestigasyon ukol dito.
Maglalabas ang RAEFIC/NAEFIC ng rekomendasyon kung pansamantalang ihihinto o hindi ang pagbabakuna.
Cluster: may dalawa o higit pang kaso ng magkatulad na adverse effect, na magkaugnay ayon sa oras, lugar, o saklaw ng pagbakuna, o ayon sa bakunang ibinigay.
5. Mayroon bang mga hakbang na gagawin para sa mga taong nagkaroon ng mga sintomas matapos mabakunahan?
Ang mga nabakunahang nagkaroon ng AEFI ay dadalhin sa angkop na healthcare facilities para sa case management.
Ang mga vaccination site ay naka-link sa mga lisensyadong health facilities upang makatiyak ang kahandaan sa pagtugon sa AEFIs.
6. Paano natin susubaybayan ang mga nabakunahan na?
Ang Philippine FDA at ang DOH ang susubaybay sa mga kaso ng AEFI.
Magtatayo din ng isang data management system sa buong bansa upang subaybayan ang mga gawain sa pagbabakuna, kaligtasan, at sa bisa ng bakuna.
7. Gaano katagal isasagawa ang pagbabantay sa pagsubaybay ng AEFI?
Isasagawa ang pagbabantay at pagsubaybay ng mga AEFI nang isang taon matapos ang pagbabakuna.
8. May lagnat ako at pananakit sa brasong tinurukan ng bakuna. Dapat ba akong mabahala?
Hindi, ang sintomas ng pananakit, pamumula, at pamamaga sa brasong tinurukan at iba pang sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, at kapaguran ay ilan sa karaniwang pangyayari matapos magpabakuna.
Ito ay senyales ng nagsisimulang immune response ng katawan dahil sa bakuna. Mawawala ang mga sintomas na ito sa loob ng isa hanggang tatlong araw.
9. Ano ang dapat kong gawin kung tumagal o lumala ang aking mga sintomas?
Kumunsulta sa inyong doktor o sa pinakamalapit na pasilidad kung hindi ito mawala matapos ng tatlong araw, o kung lumala ang mga ito matapos ng isang araw.
Pinagmulan: @PIADesk (Philippine Information Agency) via WHO COVID-19 Vaccines Safety Surveillance Manual
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Adverse Events Following Immunization "