-->
Browsing Category " Krimen "

May krimen ba pag palagi kang minumura ng Jowa mo?

 

minumura ng jowa mo


May krimen ba pag palagi kang minumura ng Jowa mo?


Tandaan na ang VAWC ay hindi lamang limited sa mag-asawa, kasali rin dito ang mag-jowa.


Psychological violence po ang tawag dito. Kasi baka nagkaroon ng mental or emotional anguish yung babae dahil sa repeated verbal/emotional abuse.


Pinagmulan: fb/Atty. Anselmo Rodiel IV


Mungkahing Basahin: 

Cyber Vandalism


Cyber Vandalism

Ito ay illegal na pagsira, pag-deface, o pag-manipula ng websites, social media accounts, o online systems. Kadalasan, binabago ng hacker ang laman ng website o naglalagay ng masasamang, mensahe o imahe.

Paano ito maiiiwasan?
  1. Gumamit ng Malakas na Passwords - Iwasan ang madadaling hulaan na passwords at gumamit ng kombinasyon ng letra, numero, at simbolo.
  2. I-update ang Software Regularly - Siguraduhing updated ang website platforms at security patches upang maiwasan ang vulnerabilities.
  3. Mag-install ng Security Plugins - Gumamit ng firewalls at anti-malware tools para protektahan ang website o system.
  4. I-backup ang Data Regularly - Panatilihing may backup copies ng website at files para madaling maibalik kung masira.
  5. Limitahan ang Access - Bigyan lamang ng access ang mga taong may tiwala at kinakailangang role sa website.

Mungkahing Basahin:

Minaltratong Kasambahay

 Minaltratong Kasambahay

Ano ang dapat gawin kung sinasaktan ka ng iyong amo?


Tanong: Atty., kasambahay po ako. Ano po ang dapat kong gawin kung sinasaktan ako ng aking amo?


Sagot: Kasuhan mo siya para sa paglabag ng Batas Kasambahay at Revised Penal Code. Ayon sa Implementing Rules and Regulation ng Batas Kasambahay o RA 10361, maaaring ireklamo ang amo sa 

(1) barangay kung saan naganap ang pananakit, 

(2) Department of Social Welfare and Development (DSWD), o

(3) Public Employment Service Office (PESO) kung saan naganap ang pananakit. 


Ang sinumang nakakaalam ng pananakit ay maaaring magreklamo. Kung napatunayang nagkasala ang among nanakit, pagmumultahin siya ng hanggang 40,000 pesos. Bukod dito, maaaring makulong ang amo para sa Physical Injuries sa ilalim ng Article 263, 265, o 266 ng Revised Penal Code, depende sa kalalaan ng pinsala.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Ano ang investment scam?

 

Ano ang investment scam?

Ano ang investment scam?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang investment scam ay isang uri ng panloloko kung saan nangangako ng sobrang laking kita ang scammer para makakuha ng pera na ituturing na investment mula sa biktima. Sa huli, itatakbo ng scammer ang mga na-"invest" na pera.


Kapag ginamit ang financial account sa investment scam, ito ay pumapailalim sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).


Ano ang halimbawa ng investment scam?

Nagbigay ka ng 10,000 tapos in one years time 20,000 na yan. Sasabihin nila, first month pa lang bibigyan ka na ng 10% o 1,000. Bibigyan ka nga ng 1,000 pero lagay ka ng lagay ng pera tapos mag-invite ka pa ng iba. Hindi mo alam na pyramid scam yan, habang maraming naloloko, nakakapagbigay sila, tapos guguho na lang bigla kasi wala ng maloko.


Ang mabigat ngayon, ginagamit nila 'yan electronically, mabilis na. Unlike dati, lalapitan ka ng tao, kakausapin ka. Ngayon, puro online, ang bilis.


PAALALA

Kapag masyadong malaki o "too good to be true" ang ipinangakong kikitain ng iyong investment, mabuting suriin ito nang mabuti dahil posibleng scam ito. Mag-invest lamang sa mga lehitimong institusyon para maiwasang mabiktima ng investment scam.


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin:

Ano ang Online Selling Scam?

 

Ano ang Online Selling Scam?

Ano ang Online Selling Scam?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang online selling scam ay isang uri ng panloloko kung saan hindi nakukuha o maling produkto ang natatanggap ng biktima pagkatapos bumili sa isang online na tindahan.


Kapag ginamit ang financial account sa online selling scam, ito ay pumapailalim sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin:

Bawal magkabit ng jumper ng kuryente?

Bawal magkabit ng jumper ng kuryente?


Atty., Ano po ba ang parusa sa kapitbahay naming nagkakabit ng jumper sa kuryente namin?


Ayon sa Section 2 ng RA 7832 o Anti-Pilferage and Theft of Electric Transmission Line or Materials Act, kung napatunayang nagkabit ng jumper o nagnanakaw ng kuryente ang isang tao, makukulong siya ng hanggang 12 years at pagmumultahin ng hanggang Php 20,000.


Pwede rin siyang singilin para sa karagdagang nakonsumong kuryente.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

May parusa ba para sa mga nagtitinda ng pekeng sapatos?

 May parusa ba para sa mga nagtitinda ng pekeng sapatos?


Tanong: Atty, makakasuhan o paparusahan po ba ang mga nagtitinda ng pekeng sapatos?


Sagot: Oo. Ayon sa Section 155 ng Intellectual Property Code o RA 8293, counterfeit o peke ang produkto kung ginagamit ang trademark o brand name ng walang pasabi sa may-ari, o gumawa ng halos kaparehong produkto ng walang permiso sa may-ari.


Kung napatunayang may sala ang nameke, makakasuhan siya ng Infringement at pwedeng maningil ang may-ari ng danyos at irecover

ang napagbilihan mula sa counterfeit products.


Ayon sa Section 157 ng RA 8293, pwede ring iutos ng korte na sirain ang pinekeng produkto.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Ano ang social engineering at e-mail phishing?

 

Ano ang social engineering at e-mail phishing?

Ano ang social engineering at e-mail phishing?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang social engineering ay isang uri ng panloloko para makakuha ng mga sensitibo at personal na impormasyon. Gagamitin ang mga nakuhang impormasyon para ma-access ng manloloko ang financial account ng biktima upang para ma-take over ang account o makapagbigay ng pera sa manloloko.


Social Engineering


Panlilinlang o pag-manipulate ng tao para makakuha ng personal at sensitibong impormasyon para ma-take over ang account o makapagbigay ng pera sa manloloko.


Email-Phishing


Isang uri ng social engineering na ilegal na kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng mapanlinlang o mapanlokong e-mail.


Gagamitin ng scammer ang nakuhang impormasyon para mabuksan ang iyong account at makuha ang laman nitong pera.


Paalaala!


Huwag i-click ang link na matatanggap sa e-mail, lalo na kung sinasabihan ka nitong magbigay ng personal at sensitibong impormasyon.


Mungkahing Basahin: