Tapa
Tiyak na nagmula ito sa pangangailangan ng mga manlalakbay o mangangaso pagkatapos makahuli ng usa o baboy-damo sa bundok.
Itinatapa ang karneng baka, usa, at tupa, bagaman ginagawa din ito sa ibang karne at isda. Masarap iulam ang inihaw o pritong tapa sa sinangag at may kalahok na pritong itlog at atsarang papaya.
Ang salitang “tapa” ay sinasabing mula sa Sangkritong tapas na nangangahulugang “init.”
Kamakailan, nauso at murang almusal ang tapsilog (mula sa kombinasyong tapa+sinangag+itlog) sa mga karinderya.
Isinisilbi na rin itong almusal sa mga restoran ng hotel at sa mga sangay ng Jollibee, Chowking, at McDonald’s. Bilang dagdag na pampalasa, nilalagyan ng bunton ng dinurog at pritong bawang ang tumpok ng sinangag. Siyempre, nasa dami ng atsara sa tabi ng plato ang presyo ng tapsilog.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Tapa "