On
Ang kalamansî (citrofortella microcarpa) ay isang puno na lumalaki ng 3-5 metro ang taas.


Dito sa Pilipinas, ito ay tinatawag ding kalamondin o kalamonding, limonsito, sintonis, at aldonisis.


Sinasabing ang kalamansi ay nagmula sa bansang Tsina at kumalat na ito sa Silangan gaya ng Filipinas at Indonesia.


Ang kalamansi ay namumulaklak ng kulay putî o kung minsan ay mapusyaw na lila. Bilog ang mga prutas nitó na kulay berde kung hilaw at kulay dilaw kapag ito’y hinayaang mahinog sa puno. Manipis at makinis ang balat ng prutas ng kalamansi.


Tumutubo ito sa maraming uri ng lupa, mula sa luad hanggang sa batong apo, hanggang sa buhangin, subalit pinakamaganda ang tubo nito sa mabuhanging lupa o luad na hindi tinitigilan ng tubig, maraming patabang organiko, may pH na 5.5-7.0. Marami rin ang nagtatanim nito sa kapatagan.


Maraming gamit ang kalamansi sa Pilipinas. Kinukuha ang katas nito at ipinoproseso upang gawing inumin na tulad ng ginagawa sa iba pang maasim at matamis na prutas.


Ginagawa din itong marmelada na ipinapalaman sa tinapay. Ang katas nito ay ginagamit na pang-alis ng mantsa sa damit, pang-alis ng amoy at dumi sa katawan ng tao, pampaputî ng balat, at siyampu.


Ginagamit din itong panggamot sa pangangati ng balat, gamot sa ubo, pang-alis ng pamamaga, pampurga, at kapag inihalo na sa paminta ay pampalabas ng plema.


Ang mga ugat ng kalamansi ay isang sinaunang gamot sa bagong panganak, at ang dinalisay na langis mula sa dahon ay gamot sa kabag. Maaari din itong ilagay sa paso at gawing pandekorasyon sa hardin.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: