Liyangkit
Ang síndil ay sagutan sa pamamagitan ng awit.
Ang liyangkit ay isang awit na solo, karaniwang ginagampanan ng pangunahing mang-aawit at malimit na isinusunod bilang pangwakas sa sindil.
Sinasaliwan ang liyangkit ng tugtog sa gabbang (kawayang silopono), suling (katutubong plawta), at biyula (katutubong biyolin).
Tulad sa sindil, tigib din sa masayahing diwa ang liyangkit at iniuugnay ng mangaawit ang sasabihin sa mga naganap na sa pagtatanghal.
Masikap din ang mang-aawit na iugnay ang awit sa tunay na pangyayari. Halimbawa, sinabi ng isang manliliyangkit na nais pa sana niyang habaan ang kanta ngunit kailangan na niyang magpaalam dahil nauubos na ang gaas ng ilaw:
Lyampa in manga kulayt kumu na
Bati kaw Tuan Iklali bat gambahi na.
Sari bang kitaun ta mataud lana
Biya in sawasawa ba kumu na.
(Ngunit nanghihina na ang ilawang de-gaas
Gising, Tuwan Iklali, bombahin mo na.
Sa tingin namin, may sapat itong langis
(Pero) lumiliit na ang liwanag.)
Ginagamit ding pantawag ang liyangkit sa mga awit na pasalaysay, katulad ng kíssa sa parang sabil.
Halimbawa, isang nairekord na ang Liyangkit parang sabil kan Apud (1970) o “Ang Liyangkit ng Pagpapakamatay ni Apud.” Bahagi ito ng pangkalahatang tradisyon ng tulang inihihimig sa Sulu.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Liyangkit "