Ang kissa ay maikling salaysay na inaawit ng mga Muslim kapag may espesyal na okasyon.


Maaaring kuwento itong kinuha sa Koran, gaya ng pag-aalay ni Abraham sa kaniyang anak upang maitayo ang templo ng Panginoon.


Maaari namang kuwento ito ng buhat at pag-ibig ng mga datu at bantog na tao.


Ang matatandang kissa ay ginagamit ng mga Tausug upang bakasín ang kanilang ninuno at angkan.


Nilalaman din nito ang kanilang malalim na pangarap at lunggati.


Wika nga ni Gerard Rixhon, “Gaya ng sinasabi sa atin ng ilang kissa, pinagsisikapang bigyan ng kahulugan ng mga Tausug ang papel ng karahasan sa kanilang sistema ng halagahang panrelihiyon.


May mga istorya, gayunman, na nagpapahayag ng lunggati tungo sa magagandang ugnayan, mga mapayapang kasunduan, at malaking espasyo para sa katuwaan.”


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: