Ano ang Hari Raya Haji?
Kinikilala din itong ‘Pista ng Sakripisyo” dahil ginugunita ang kusang-loob na kahandaan ni propetang Ibrahim na isakripisyo ang anak na si Ismael bilang pagtalima sa utos ng diyos. Gayunman, isang lalaking tupa ang lumitaw at pumalit bilang sakripisyo. Sa araw na ito, ginugunita ang naturang pangyayari sa buong mundong Muslim sa pamamagitan ng pagkatay sa isang tupa, baka, o kamel bilang handog sa relihiyon at sa komunidad.
Pumapatak ang Hari Raya Haji sa 10 Zulhijjah, ang ika-10 araw ng ika-12 buwan sa kalendaryong Muslim. (Ang kalendaryong Muslim na may halinhinang mga buwang may 29 at 30 araw, ay maikli nang 11 araw sa kalendaryong Gregorio na may 365 araw.)
Lahat ng Muslim ay namamanatang makarating sa Mecca dahil ito ang ikalimang haligi ng Islam.
Ang seremonya ng pagkatay ay ginagawa ng mga boluntaryo sa masjid pagkatapos ng maramihang panalangin para sa Har Raya Haji. Ang seremonya ng pagkatay ay tinatawag na korban at isinasagawa alinsunod sa tuntuning halal.
Ang karne ay ipinamumudmod sa komunidad, mga kapitbahay, at mga kamag-anak, lalo na sa mga dukha at nangangailangan. isang paggunita ito na ibahagi sa iba ang anumang kayamanan.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Hari Raya Haji? "