Hari Raya Puasa ang salitang Malay para sa Eid’l Fitr o Eid, ang pagdiriwang at araw ng pasasalamat ng mga Muslim matapos ang 29 na araw ng Ramadan.


Naganap ang unang Eid noong 642 AD nang manalo sa labanang Badr ang grupo ni Muhammad. Ipinagdiriwang nang tatlong araw ang Eid at ang unang araw nito ay ang unang araw sa buwan ng Shawwal. Ito ang araw na nagkakaroon ng layuning magkabuklod ang lahat ng Muslim sa mundo.


Sa umaga ng pagdiriwang ng Eid, kumakain ang isang Muslim bilang tanda ng pagtatapos ng Ramadan at pagkaraan ay magdadasal ng takbir at salah o panalanging Islamiko kasama ang iba pang Muslim.


Sinusundan ang dasal ng khutbah o sermon. Naniniwala ang mga Muslim na iniutos ni Allah na ipagpatuloy nila ang pag-aayuno hanggang sa hulíng araw ng Ramadan at bayaran ang Zakat at fitra bago nila gawin ang mga panalanging Eid.


Ang karaniwang batì sa panahong ito ay “Eid Mubārak” (Mabiyayang Eid) o “Eid Sa‘īd” (Maligayang Eid).


Sa bisa ng Proclamation No. 9177, idineklarang pambansang araw ng pagdiriwang ang Hari Raya Puasa sa Pilipinas. Isinabatas ito noong ika-13 ng Nobyembre 2002.


Sinasabing ang Filipinas ang tanging Kristiyanong bansa na isinabatas ang pagkilala ng pagdiriwang na ito ng mga Muslim.


Pinagmulan: NCCA Official | Flicr


Mungkahing Basahin: