Saggeypo
On Pamumuhay
Ang saggeypo ay set ng plawtang kawayan na sunod-sunod ang laki at tinutugtog ng anim katao sa Kalinga.
Tinatawag din itong sagaypo at saysay-op. Hindi tulad ng ibang plawta, walang butas para sa daliri ang saggeypo. Nalilikha ang tunog nito sa pamamagitan ng buko na nagsisilbing pansara ng dulo at ng iba’t ibang paraan ng pag-ihip dito.
Dahil sarado ang ilalim nito, itinuturing itong stopped pipes. Ang bukas na bahagi naman ay sunod-sunod ang haba sa bawat instrumento at ipinupuwesto sa ibaba ng labì ng manunugtog. Maaari itong tugtugin nang solo o bilang grupo. Karaniwang ginagamit ito bilang pang-aliw at pangligaw sa kababaihan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Saggeypo "