On
Ang binasuan ay isang makulay at masayang sayaw mulang Bayambang, Pangasinan. Malimit itong sinasayaw kung kasalan at mga pista.


Ang “binasuan” ay nangangahulugang “gamit ang o sa pamamagitan ng baso” at may pahiwatig ng maligayang pagtatagay kung nagdiriwang.


Sa sayaw, tinutukoy nito ang mahirap na tungkuling timbangin ang tatlong baso na nakapatong sa noo at sa dalawang palad ng isang babae hábang sumasayaw. Mabigat din ang mga baso dahil may lamang alak o anumang likido.


Isinasagawa ang naturang paninimbang habang masining na umiikotikot, ikinukunday ang mga bisig, o gumugulong sa sahig o entablado ang mananayaw. Hindi naman dapat maligwak man lamang ang likido ng baso.


Nakasuot ng balintawak na may tapis at panyuwelo ang mananayaw at kumikilos sa himig ng “Pitoy Oras.” Ginaganyak naman siya at pinapalakpakan ng mga kasama sa entablado.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: