Binanog
Malaking bahagi ng sayaw ang paggaya sa mga kilos ng ibong banog o lawin kaya tinawag itong “binanog.” Ang ritmo ng sayaw ay 1-2-3-4. Sinasabayan naman ito ng mga gong at iba pang katutubong instrumento.
Sa pagsayaw ng binanog, katumpakan at kaliksihan ng mga galaw ng paa ang kailangang maisagawa ng mga mananayaw. Dalawa sa pinakaginagamit na galaw ng paa ang pagtalon at pagdausdos.
Sa bersiyon ng mga Cotabato Manobo, inihuhulog ng isang babaeng mananayaw ang kaniyang panyo at pupulutin niya ito habang iminimuwestra ang mga kamay at braso tulad ng sa banog. Sa mga Pulangi Manobo, bahagi ng mas malaking sayaw ng panliligaw ang binanog.
Bukod sa binanog, dalawa sa mga sayaw ng mga Manobo na ginagaya rin ang galaw ng mga ibon ay ang kakayamatan at ang bubudsil.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin
No Comment to " Binanog "