Maglalatik
Sinasayaw ito sa saliw ng rondalya sa batayang kompas na 2/4. Ang ritmo ng pagtatama ng mga bao ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa malakas na bagsak ng kumpas at ritmo.
Ang mga bao ay pares-pares na nakasabit sa harap ng dibdib, sa bandang ibaba sa likod ng balikat, sa magkabilang baywang, at sa bandang itaas ng tuhod.
May mga bao rin sa magkabilang kamay na itinatama upang lumikha ng tunog sa mga baong nakakabit sa nabanggit na mga bahagi ng sariling katawan at sa mga kapuwa mananayaw.
Karaniwang lalaki lamang ang sumasayaw nito na ang suot lamang ay pulang pantalon na nakatupi hanggang tuhod, at ang mga baong nabanggit na nakatali sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ang maglalatik ay karaniwang sinasayaw sa pista ni San Isidro Labrador tuwing buwan ng Mayo. Pinaniniwalaang taglay ng sayaw ang disiplina ng katutubong paraan ng pagtatanggol sa sarili kung kaya’t karaniwang ituring ito bilang halimbawa ng sayaw na pandigma o martial dance.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Maglalatik "