Itik-Itik
Itik-itik kung tagurian
ito’y sayaw sa ating bayan
humanga ang sangdaigdigan
na sa taglay mong katangian
Sa kaway ng iyong mga kamay
at sa imbay ng iyong baywang
anong ganda at anong inam
kapag ito ay minamasdan
Ang ítik-ítik ay isang sayaw na nagsimula sa masiglang pagsayaw ng Sibay sa saliw ng musikang Dejado ni Cayetana (na mas kilala sa palayaw na Kanang) para sa mga bisita sa isang binyagan sa Carmen, Lanuza, Surigao. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasayaw ay napansin niya ang nakatutuwang galaw ng mga itik sa paligid na kaniyang ginagad. Dahil nakatawag-pansin ang mga galaw ni Kanang, nagsimula na rin siyang gayahin ng iba pang mga bisita. Sa masayang tagpong ito iniluwal ang mimetikong sayaw na itik-itik.
Idinaraos ang sayaw sa saliw ng rondalya. Ngunit kung minsan, maaari ring saliwan ang pagsayaw ng awitan. Narito ang simpleng titik ng awit na sumasaliw sa pagsayaw: (Si itik-itik ang babae at si Aliwaros naman ang lalaki)
Itik-itik, diin ka guikan? Itik-itik, saan ka nagmula?
Aliwaros, sa pandagitan. Aliwaros, diyan sa ilog.
Itik-itik kinsay uban mo? Itik-itik, sinong kasama mo?
Aliwaros, ako ra mismo. Aliwaros, ako’y nag-iisa.
Itik-itik, nag-unsa ka dinhe? Itik-itik, bakit naririto ka?
Aliwaros, nagsuli-suli Aliwaros, nais kong malaman
Aliwaros, nagsuli-suli Aliwaros, nais kong malaman
Kon nia ba ikao dinhe. Kung naririto ka nga.
Karaniwan, ang mga mananayaw na babae ay nakasuot ng patadyong kapag sinasayaw ito. Barong
tagalog o camisa de chino at puting pantalon naman ang suot ng kalalakihan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Itik-Itik "