Karinyosa
Ang ikinatatangi ng sayaw na ito ay ang paglalangkap ng larong taguan. Ang ibang bersiyon naman ay may suklayan at lagayan ng polbo sa mukha ng magkapareha, katulad sa karinyosa ng San Joaquin, Iloilo. Gamit ang panyo o pamaypay, ang magkaparehang lalaki at babae ay nagagawang magtaguan at magdungawan sa nakaekis na panyo sa kanilang pagitan.
Ang karinyosa pandanggiyado na mula sa Albay ay gumagamit naman ng pamaypay sa larong taguan ng sayaw sa halip na panyo. Ang bersiyon ding ito ay sinisingitan ng hakbang na tinatawag na binanog.
Gaya ng ipinahihiwatig ng salita, ang karinyosa ay isang impluwensiyang Espanyol. Karaniwang nasa estilong balintawak ang suot ng kababaihan. Maaari ring patadyong at kamisa. Mayroon ding nakasabit na pamaypay sa kanang baywang nila. Barong tagalog naman ang suot ng kalalakihan at may nakatagong panyo sa kanilang bulsa.
Nasa batayang sukat na 3/4 ang musika at karaniwan itong tinutugtog ng rondalya.
Pinagmulan: NCCA Officaial | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Karinyosa "