Ang Banig at ang Bayong
(o bulí) o pandan (pandanus). Parihaba, maaaring pang-isahang tao, pandalawahan, o pampamilya ang súkat, at ginagamit na higaan.
Ginagamit din itong sapin sa sahig upang maupuan.
Mainam na higaan ang baníg dahil nakapagpapanatili ng lamig kahit mainit ang panahon. Dahil
sa makukulay na disenyo ng baníg ng Samal at Badjaw, sinasabing ginagawa sa Filipinas ang pinakamagagandang baníg.
Napabantog ang Laminusa, lalo na nang parangalan ang isang manlalála ng baníg dito bilang Manlilikha ng Bayan. Pinakagamitin naman ang baníg mulang Basey, Samar na ginagamitan ng
himaymay ng tíkog.
Sa Lanao at Cotabato, halamang sésed ang nilalála. Nilalála din nang masinsin ang bule at pandan bilang sisidlan.
Pangunahin dito ang bayóng, isang malalim na sisidlan na may tambal na hawakan sa bibig. Wala itong takip. Nilalagyan ito ng gulay, prutas, at ibang binili sa pamamalengke. Lalagyan ito ng bigas ng mga Tagbanwa.
Naglalala din ngayon ng ibang kasangkapan at dekorasyon. May laruang hugis isda o ibon, nakakatulad ng origami sa papel ng mga Hapones, na gawa sa bule o pandan. Nilala ding himaymay ang popular na “sombrerong Baliuag” at ang karaniwang balanggót ng mga magsasaka.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Banig at ang Bayong "