Tampipi
Isang sinaunang sisidlan, parihaba, tila pinagtaklob na kahon, at yari sa materyales na masinsing nilala ang tampipi.
Kung matigas ay gawa na nilalang mga nilapat na kawayan o yantok. Kung malambot na tila banig, may patigas itong kahoy o makapal na tela sa loob.
Karaniwang sisidlan ito ng damit at ibang mahalagang personal na gamit para sa mahaba o matagal na paglalakbay. Wala itong susian, karaniwang ginagapos paikot ng sintas o sinturon, at dinadala nang pakipkip habang lumalakad.
Ang tampipi ang maleta noon ng mga biyahero. Tatak ito ng sinauna. Kaya sa mga pelikula ay karaniwang itanghal ang isang probinsiyano na tatanga-tanga sa lungsod at mahigpit na kipkip ang kaniyang tampípi. Wari bang nása tampípi ang kaniyang buong buhay.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tampipi "