Tutup
On Pamumuhay
Ang tutup ay tila kalahating bola na ginagamit pantakip ng pagkain para hindi madapuan ng langaw at para hindi mabilis lumamig.
Tinatawag din itong tutup dulang. Ngunit kaakit-akit ang sining ng paggawa ng tutup ng mga Tausug. Napakakulay nitó kayâ ang dagling maiisip ng dayuhan ay isa itong dekorasyon sa mesa. Ang totoo, ginagamit na itong pampalamuti sa dingding.
Karaniwang gamit sa pagtahi ng tutup ang mga dahon ng niyog at bule. Ipinantatahi sa mga dahon ang himaymay ng maguey. Dingding panloob ang tinahing mga dahon ng niyog; dingding panlabas naman ang mga pinagtagning dahon ng bule o silal.
Ginagamit na pandekorasyon sa paligid ang kinulayang mga dahon ng pandan. May mga tutup ngayong yari na sa banig na plastik bagaman pinananatili ang tradisyonal na anyo at mga disenyo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Tutup "