Ang Barong Tagalog
Ngunit kasuotan na ito ng mga Filipino noon pang panahon ng mga Espanyol at mauugat sa panahong iyon ang ilang katangian nito.
Ang barong tagalog ay pang-itaas na damit panlalaki, may mahabang manggas, may bukas hanggang dibdib, walang bulsa, karaniwang manipis ang tela at walang kulay, at isinusuot nang hindi nakaparagan.
Pangkaraniwang kasuotan ito noon ng mga Indio.
Manipis ang tela, dahil mas presko ito kung mainit ang panahon. Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang hindi makapagkubli ng patalim o sandata ang Indio sa ilalim ng damit.
Hindi nakaparagan ang pagsusuot dahil praktikal ito para sa maginhawang pagtatrabaho. Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang magmukhang imperyor ang Indio at madalîng maibukod sa mga Espanyol na nakaparagan ang kamisedentro.
Wala ring bulsa ang barong tagalog upang hindi makapang-umit sa bahay o tindahan.
Si Pangulong Manuel L. Quezon ang nagdeklarang “pambansang kasuotan” ang barong tagalog. Sinimulan din itong gamitan ng mamahaling telang husi at pinya at bordado upang maging elegante.
Noong 1975, nagproklama pa ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang “Linggo ng Barong Tagalog” tuwing Hunyo 5-11, bago ang Araw ng Kasarinlan, at lalong naging simbolo ang barong tagalog ng paglaban sa kolonyalismo.
Ginagamit ngayon ito sa mga opisyal na pagdiriwang at importanteng okasyon. Pormal ang tao kapag sinabing “nakabarong.” Nauso naman noong dekada 60 ang “polo barong” na maikli ang manggas at karaniwang mumurahin ang tela para sa pang-araw-araw na pagpasok sa opisina.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Barong Tagalog "