Maituturing na isa sa mga pambansang kasuotan ang kamisa de tsino, isang pangitaas na kasuotan o kamiseta na walang kuwelyo at may mahahabang manggas.

Camiso de Chino

Espanyol (“Kamisa de Tsino”)

Isang payak na pang-itaas na walang kwelyo. Kahit mahaba ang manggas, sinusuot ng mga manggagawa dahil sa preskong tela ng gamit.

Pinaniniwalaang ang kasuotang ito ay lumaganap sa Pilipinas dahil sa impluwensya ng mga mangangalakal na Tsino.

Malinaw sa pangalan nito na isang impluwensiya ito ng mga Tsino sa Pilipinas ngunit maaaring gawa mula sa lokal o inangkat na materyales. Payak ito, may iisang kulay na kadalasan ay putî at walang disenyo.


Minsan, ito ay may nakatahing bulsa sa kaliwang dibdib nito. Ang kamisa de tsino ay kadalasang itineterno sa mala-padyama na pang-ibabang kasuotan na may kulay berde o pula para sa mga impormal na gamit at pang-Europeo na pantalon para sa mga pormal na okasyon. Ginagamit ito ng mga Filipino bilang kasuotang pang-araw-araw noong panahon ng Espanyol.


Ginagamit ang kamisa de tsino bilang kasuotan sa iba’t ibang sayaw sa Pilipinas, katulad ng hota, polka, habanera, kumakaret na isang sayaw para sa panliligaw, at sayaw ed tapew na bangko mula Lingayen na nagpapakita ng kariktan at liksi. Bukod sa pagiging kasuotan sa iba’t ibang sayaw, ginagamit din ang kamisa de tsino bilang panloob sa barong tagalog.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: