Gintong Kandit at Sinturon ng Butuan
Bahagi ngayon ng koleksiyong ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas at nakatanghal sa Metropolitan Museum of Manila sa Malate, Maynila ang mga kandít at sinturon na gawa sa ginto.
Nahukay ang mga ito sa Butuan, Surigao at tinatayang ginawa noong ika-10 hanggang ika-13 siglo.
Isa sa kandít ang may sukat na 150.00 x 2.70 x 2.40 sentimetro at may timbang na 3,860.00 gramo.
Ang isang sinturon ay 68.20 x 4.90 sentimentro at tumitmbang nang 575.10 gramo. Katangi-tangi din ang mga piyesang ito dahil sa marikit na disenyong hindi pa nakikita sa ibang piraso ng ginintuang artifact sa Asia.
Itinuturing ng mga arkeologo na mahalaga ang Gintong Kandit at Sinturon ng Butuan dahil nagpapatunay ang mga ito sa dalawang bagay. Una, na may sinauna’t masiglang industriya ng ginto sa Pilipinas; ikalawa, na sentro ang Butuan ng aktibong kalakalang rehiyonal.
Ginto ang isang pangunahing kalakal ng mga Filipino at dinadayo ng mga manlalakbay na Tsino noong ika-10 siglo.
Sinasabing ang pinuno ng Butuan noong ika-11 na si Kiling ay nakipagkasundo ng direktang kalakalan sa korteng imperyal ng Tsina.
Ang koleksiyong ginto ng Bangko Sentral ay may iba pang sinaunang hiyas at ornamentong ginto.
Kabílang dito ang gintong hebilya mula ng Hilagang Silangang Mindanao. May mala-korona ding putong ng babae, hikaw, kuwintas, mga pulseras sa bisig at binti, balaraw, at puluhan ng kampilan.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Gintong Kandit at Sinturon ng Butuan "