Ano ang darangan?
Ngunit naging pamagat itong Darangan sa napakahabang epikong-bayan ng mga Maranaw.
Ang guro at misyonerong si Frank Laubach ang unang nakapagtala at nakapaglathala ng Darangan
noong 1930. Nakuha niya ang epikong-bayan habang nakasakay sa barko kasama ang may 35 Maranaw.
Habang nagbibiyahe, kinanta ng mga kasama niya ang Darangan maghapon araw. Nang dumaong ang sinasakyang barko, naghanap si Fr. Laubach ng mga taong may kakayahang kantahin ito.
Ayon sa mismong tala niya, inaabot nang halos 11 oras ang pagkanta nito. Kalahati lamang ang naisalin niya sa Ingles.
Si Bantugan (o Bantogen), kapatid ng hari ng Bembaran (o Bumabaran), ang pangunahing tauhan ng Darangan. Hinahangaan siya sa tapang at lakas.
Sa isang bahagi ng epikong-bayan, hinarap niyang mag-isa ang isang hukbong lumulusob sa kaharian habang nakasakay sa kaniyang mahiwagang kalasag.
Sa kasalukuyan, may 17 bahagi ng Darangan ang nasaliksik na at nailathala. Ilan sa mga naidokumentong episodyo ang Ang Unang Pinuno: Diwata Ndaw Gibon ng Illiyan a Bembaran, Ang Kuwento ni Madali, Paano Namatay si Bantogen sa Ilalim ng Bundok sa Tabing-Dagat, Paano Bumalik si Bantogen mula Langit, at Ang Labanan sa Bagombayan.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang darangan? "