Guro
Gayunman, kadalasang iniuugnay ang terminong ito sa mga nagtuturo sa batayang edukasyon (mababa at mataas na paaralan) samantalang “propesor” naman ang preperensiyang tawag sa mga nagtuturo sa kolehiyo.
Noong panahon ng Espanyol at hanggang noong mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano, maestro o maestra ang palasak na tawag ng paggalang sa mga guro. Maestro/maestra rin ang tawag sa nagbibigay ng di-pormal na edukasyon kaniyang sariling bahay, na katulad ngayon ng mga klaseng tutorial na nagtuturo ng panimulang kaalaman sa pagbasa at pagkukuwenta, bago pumasok ang bata sa unang baitang.
Ngayon, palasak nang ginagamit ang salitang titser (mula sa Ingles na teacher) ngunit ang “guro” ay nananatiling gamitin sa mga aklat at sa mga pormal na talakayan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Guro "