Balik Eskwela Safety Tips
Paalaala sa mga magulang at estudyante
1. Palaging makipag-ugnayan ang mga magulang sa mga guro o gwardiya ng paaralan. Dapat ipaalam sa kanila kung sino ang tagasundo sa inyong mga anak.
2. Kung hindi sumasakay ng school bus and estudyante, mas mabuting kumuha ng suking magmamaneho upang maghatid-sundo sa eskwelahan. Kung hindi, tiyaking isulat o isaulo ang numero ng kanyang sinasakyan at tandaan ang mukha ng drayber.
3. Palaging ipagbigay-alam sa magulang kung may ibang pupuntahan maliban sa eskwelahan at kung sino ang kasama, pati na ang paraan upang sila ay makontak.
4. Payuhan ang mga anak na manatili sa loob ng eskwelahan kung wala pang sundo at huwag makipag-usap sa di kilala.
5. Maging alerto palagi lalo na kung nasa daan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Balik Eskwela Safety Tips "