Ano ang madrasa?


Ang madrasa ay salitang Arabe (madrasah) para sa anumang uri ng institusyong pang-edukasyon.


May mga varyant itong “medrese,” “madarasaa,” “medresa,” madrassa,” “madraza,” “madarsa,” at “medrese.” Literal itong nangangahulugan ng “sa isang lugar para sa pag-aaral at pagtatapos.”


Sa wikang Arabe maaari itong paaralang pribado o pampubliko, maaaring tumukoy sa pangunahin o sekundaryong paaralan para sa mga Muslim at mga di-Muslim, at maaaring walang kaugnayan sa relihiyon.


Sa Pilipinas, ang madrasa ay tradisyonal na paaralan para sa pag-aaral ng Koran. Ang madáris (anyong maramihan ng madrása sa Arabe) ang pinakamatandang mga paaralan sa Mindanao.


Noong 1686 at dumalaw ang Ingles na si William Dampier sa Magindanaw, isa ito sa kaniyang naobserbahan:


They have Schools, and instruct their Children


to read and write, and bring them up in the Mahometan


Religion. Therefore many of the Words, especially in


their Prayers, are in Arabic; and many of the words of


civility the same as in Turkey; and especially they meet


in the Morning, or take leave of each other, they express


themselves in the Language.



May tradisyon diumano sa isla ng Lugus na dinadalá ng makdum ang mga kabataan sa dalampasigan upang turuan siláng bumása at sumulat sa buhangin at bumilis ang kanilang pagmemorya ng mga taludtod mula sa Koran at mga panalangin.


Patunay ang patuloy na paggamit ng Arabe sa iskrip ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu at kung paanong sumanib ang kulturang Arabe sa higit na matandang katutubong kultura ng mga Filipinong Muslim hinggil sa tagumpay ng naturang edukasyon.


Sa bisà ng DepEd Atas Blg. 51, s. 2004, may madáris na ipinailalim sa estandardisadong kurikulum para sa paaralang elementarya upang maging mga bahagi ng pambansang sistema ng edukasyon.


Pinagmulan: NCCA official | Flickr


Mungkahing Basahin: