Orihinal na tumutukoy sa tao, wika at kultura na matatagpuan sa Inglatera (o England), ang pangngalang Ingles (o English) sa panahon ngayon ay mas naiuugnay sa pangunahing pandaigdigang wika na unang wika ng Estados Unidos, New Zealand, Canada at Australaia at sinasabi sa kanilang kasaysayan na nagmula rin sa lahing mga Anglo-Saxon ng Inglatera.


Ang kolonyal na kasaysayan din ng mga bansang ito ang naging pangunahing dahilan ng pagtanyag at paglawak ng popularidad ng Ingles sa buong mundo bilang wikang global.


Nangunguna sa natuto at yumakap sa Ingles bilang pangalawang wika ay ang mga bansang sinakop ng Inglatera, katulad ng India at ilang Afrikanong bansa, at ng Estados Unidos, katulad ng Filipinas. Dito sa mga bansang kolonyal na ito, ang Ingles ay opisyal na wika ng edukasyon, pamahalaan, industriya, at komersiyo.


Bukod sa nabanggit na impluwensiya ng kololonyalismo, ang Ingles bilang wika at pati na ang kultura na nakapaloob rito ay lumawak nang napakabilis sa buong mundo. Ang kapangyarihang ito ng Ingles bilang wikang global ay dala ng kapangyarihan ng bansang Estados Unidos na kinikilalang pinakamaimpluwensiya sa buong mundo sa larang ng sosyo-politikoekonomiko na aspektong pamatnubayan.


Sa isang ulat, may 514,000,000 na gumagamit ng Ingles sa buong mundo; ngunit pumapangalawa lamang sa Mandarin ng mga Tsino na may pinakamaraming nagsasalita.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: