On
Ang Kampilan ay isang sinaunang mahabang patalim. May haba itong 89-102 sentimetro at tradisyonal na sandata ng mga Muslim na Magindanaw at Maranaw. makitid sa puno at lumalapad sa dulong talim nito, bukod sa pahilis ang dulong talim.


May kaakibat na sining ang paggawa ng sundi o puluhan ng kampilan. Pinasimpleng sundi ang yari sa kahoy na banati at may pabitin sa dulo na balahibo ng hayop. may sundi na yari sa matibay na naga o mulawin at hugis bunganga ng buwaya ang dulo.


Karaniwang dalawang kamay ang ginagamit sa paghawak ng sandatang ito. May paniniwala na mutya ng mga sandata ang kampilan at nagbibigay ito ng magandang kapalaran sa may-aring mandirigma.


May paniwala na ipinakilala ang kampilan ng Propetang si Muhammad kay Sharif Kabungsuan, ang kinikilalang tagapagtatag ng sultanatong magindanaw.


Kapag sinuri din ang de-kahong larawan ni LapuLapu, isang kampilan ang pumatay kay Magallanes sa Mactan. Sa mga dakilang pinuno ng Magindanaw, laging inilalarawan si Sultan Kudarat na may hawak na kampilan.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: