Pabitin
On Pamumuhay
Pabitin
Ang pabítin ay isang tradisyonal na larong pambatà sa mga pista at pagdiriwang. Karaniwang yari ito sa kawayang pinagsalit-salit upang makabuo ng isang malaking parisukat at nagsisilbing sabitan ng mga bagay o premyong maaaring makamtan ng mga batàng lalahok sa laro.
Ang parisukat ay ibinibitin ngunit may tali na hinihila ng isang tao pataas at pababâ. Sa laro, tinitipon ang mga batà sa ilalim ng pabítin upang magunahang hablutin ang mga nakasabit na salapi, pagkain, o laruan. Itinataas o ibinababâ naman ang pabitin upang sabikin ang mga naglulundagan pang kalahok. Paramihan at pagalingan sa paghablot ng mga nakabitin ang mga batà hábang nagpapalakpakan at naghahalakhakan ang mga magulang na nanonood. (IPC) (ed VSA)
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Pabitin "