Tumbang Preso
On Palakasan
Ang tumbang preso ay isang larong pambatà at sinasabing lumaganap mula sa San Rafael, Bulacan. Maraming maaaring lumahok sa larong ito.Nilalaro ito noon sa bakuran o sa lansangan. Sa larong ito, kailangang mayroong mga láta walang laman, karaniwang basyong láta ng gatas, na magsisilbing target ng mga manlalaro.
Ang bawat manlalaro rin ay kailangang may hawak na pamatò na karaniwan ay tsinelas. Sa preparasyon ng laro, ilalagay ang mga láta, 6-8 metro ang layò mula sa linyang pupuwestuhan ng mga manlalaro.
Pumipila ang mga manlalaro sa linya at hawak ang kanilang mga pamato ay isa-isa niláng susubukang patumbahin ang mga nakatayông lata. Hindi maaaring magbato ng pamatò ang susunod na manlalaro hanggang napapatumba pa ng unang manlalaro ang mga láta.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tumbang Preso "