Ang Ginintuang Tara ng Agusan ay isang gintong estatwang may taas na pitong pulgada. Ito ay imahen ng diyosang si Tara sa paniniwalang Budismo.


Ang gintong imahen ay natagpuan noong 1917 sa baybayin ng Ilog Wawa malapit sa Esperanza, Agusan del Sur sa Mindanao. Ayon kay Henry Otley Beyer, isa sa mga nangungunang antropologo sa Pilipinas, ang estatwa ay mula pa sa panahong 900-950.


Sa pananaliksik, ebidensiya ang imahen ng posibiblidad na naging impluwensiya ang Hindi-Buddhistang paniniwala sa mga tao sa Mindanao. Sa panahong ito ng ikapito hanggang ikalabintatlong siglo, may dibersidad ng relihiyon at paniniwala sa Filipinas.


Dahil representasyon si Tara ng kalayaan at tagumpay ng kababaihan, sinasabi na ang pagkakaroon ng kaniyang imahen sa Mindanao ay pagpapakita ng pagpapahalaga ng bansa sa kababaihan. Maaari ring nangangahulugang ito na matriyarkal ang lipunan ng Filipinas bago dumating ang mga Espanyol.


Sa Buddhismong Tibetan, kilala din si Tara bilang Jetsun Dolma. Sa Buddhismong Mahayana, isa siyang babaeng Bodhisattva na nangangahulugang may napakataas siyang kaalaman at pagkaunawa. Sa Buddhismong Vajrayana naman, may anyo siyang babaeng Buddha.


Pangatlo, ang nakitang estatwa ay patunay ng malawak na pakikipagkalakalan ng mga Filipino sa mga dayuhang dumating sa bansa mula sa Timog Silangang Asia. Dagdag pa dito, maraming nahukay na ginto at iba pang labing arkeolohiko sa bahaging iyon ng Mindanao.


Sa kasalukukyan, makikita ang Ginintuang Tara ng Agusan sa Field Museum of Natural History sa Chicago, Illinois. Naroon na ito mula pa 1922.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: