Kolombiga
Malimit na yari ito sa ginto, pilak, o ibang metal at sagisag ng kabuhayan ng maysuot.
Maraming patunay na mahilig magsuot ng mga hiyas sa daliri, leeg, binti, pulsuhan, at bisig ang mga sinaunang Filipino. Sa Kabisayaan, tinatawag noong kasika ang kabuuan at alinman sa naturang mga hiyas.
Ang kolombiga ay isinusuot sa kalamnan ng pang-itaas na bahagi ng bisig. Tila ito pulseras ngunit hinubog upang maging lapat na lapat sa pang-itaas na bisig ng may-ari.
Sa kasaysayang pandaigdig, karaniwang hiyas itong panlalaki. Gayunman, may katibayan na isinusuot ito ng nobya bilang agimat laban sa kamalasan.
May mga ilustrasyon sa panahon ng Espanyol na nagpapakita sa tambalang lalaki at babae na kapuwa nahihiyasan ang mga daliri, binti, pulsuhan, bisig, at leeg.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kolombiga "