edsa people power marker

Edsa People Power


Nagtipon ang libu-libong mamamayan bilang tugon sa panawagan ng Arsobispo ng Maynila, Jaime Cardinal Sin upang bigyang proteksyon sina Juan Ponce Enrile, Ministro ng Tanggulang Pambansa; Tenyente Heneral Fidel V. Ramos, pangalawang pinuno ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at ang mga rebeldeng sundalong kabilang sa Reform the Armed Forces Movement, na tumiwalag sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at nagkanlong sa Kampo Crame at Aguinaldo, 22-25 Pebrero 1986.


Nanumpa si Ginang Corazon C. Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan, Metro Manila, 25 Pebrero 1986. Kinagabihan ng araw ding iyon nilisan ng pamilyang Marcos ang Malacanang, kasama ang ilang tagasunod. Ito ang naging katapusan ng 20 taong rehimeng Marcos at kulminasyon  ng mahabang panahong pakikibaka upang ibalik at pairaling muli ang demokrasya sa bansa.


Inalisan ng tabing ng kagalang-galang na pangulong Benigno S. Aquino, III, 25 Pebrero 2011 bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng mapayapang People Power EDSA Revolution.


Pinagmulan: @PanandaAPP via Photo credit: Markoolio97 / CC BY-SA 4.0


Mungkahing Basahin: