People Power
Dahil sa lumaganap na protesta at pagbagsak ng ekonomiya ay napilitang tumawag ng madaliang halalan o Snap Elections si Marcos. Inilaban ng Oposisyon kay Marcos ang biyuda ni Ninoy Aquino na si Corazon “Cory” Aquino. Magulo at nagkaroon ng malaganap na dayaan ang eleksiyon ng 7 Pebrero 1986. Muling tumindi ang mga protesta sa loob at labas ng bansa. Isang pangkat ng kabataang militar, ang Reform the Armed Forces Movement (RAM), ang nagplano ng kudeta. Itinuloy ito noong Pebrero 22 kasama sina Juan Ponce Enrile at Hen. Fidel A. Ramos na nagbitiw sa kanilang mga tungkulin sa pamahalaang Marcos. Tinangkilik ng mga Corista at ng Simbahang Katoliko sa pangunguna ni Jaime Cardinal Sin ang kudeta. Dumagsa ang nakikisimpatiyang libo-libong tao sa kahabaan ng EDSA (Epifanio de los Santos Avenue) at hinarap ang mga tangke’t sundalong ipinadalá ni Marcos para sugpuin ang rebelyon. Nagmistulang malaking pista ang lahat at sinundan ng buong mundo. Noong umaga ng 25 Pebrero magkasunod nanumpa bilang Pangulo ng Filipinas si Cory sa Club Filipino sa Greenhills at si Marcos sa Malacañang. Ngunit dinagtagal, napilitang tumakas sakay ng helikopter ang pamilya Marcos dahil sa bantang pagsalakay sa Malacanang ng mga rebelde.
Ang People Power ay Filipinas ay sinasabing naging modelo ng ibang mapayapang himagsikan sa Silangang Europa at ibang pook.
Pinagmulan: NCCA Official via Flickr
No Comment to " People Power "