Arsobispo
Karaniwang siya ang namumuno sa isang mahalaga o pangunahing diyosesis, at bunga ng lawak o pagiging makasaysayan nito ay tinatawag na artsidiyosesis.
Siya rin ang namumuno sa mga obispo ng nasasakupan niyang artsidiyosesis.
Bagaman walang pagkakaiba ang opisyal na kasuotan ng arsobispo at ng obispo, ang mga arsobispo ng mga arkidiyosesis ay nakikilala sa mga maliturhiyang seremonya gamit ang palyum.
Ang arsobispo ay karaniwang may eklesyastikong sombrero na may sampung kalapay sa magkabilang gilid, samantalang ang obispo naman ay may eklesyastikong sombrero na may anim na kalapay.
Ang pagkabakante ng puwesto ng arsobispo ay pinupunan sa paraang katulad ng pagpuno sa nawalang regular na obispo.
Maaaring ito ay sa pamamaraan ng eleksiyon, presentasyon o nominasyon, o direktang paghirang ng Papa.
Kung ang nahirang na bagong arsobispo ay isang pari, siya ay makatatanggap ng episkopal na konsekrasyon.
Kung ang nahirang naman ay isa nang obispo, siya ay mataimtim na itatalaga sa kaniyang bagong opisina. Ngunit hindi ang konsekrasyon o ang pagtatalaga ang magsasabi na isa na siyang ganap na arsobispo. Bagkus ito ay ang kaniyang pagkahirang na mamuno sa isang artsidiyosesis.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Arsobispo "