Jorge Barlin: Unang Obispong Filipino
On Personalidad
Si Jorge Barlin ang unang obispong Filipino sa Simbahang Katoliko at isinilang sa Camarines Sur noong 23 Abril 1850 kina Mateo Alfonso Barlin at Francisca Imperial.
Nag-aral siya at naging pari noong 19 Setyembre 1875. Noong 14 Disyembre 1905, hinirang siyang obispo ng Nueva Caceres, naordinahan noong 29 Hunyo 1906, at naging unang obispong Katoliko na Filipino.
Bahagi ng kaniyang tagumpay ang pagiging unang pari na naging gobernador sibil ng Sorsogon noong 1898. Tumanggap siya ng dalawang natatanging karangalang eklesiyastiko: ang Papal Chamberlain at ang Protonotary Apostolic Ad Instar Participantium (1903-1905).
Noong 1907, siya ang unang Filipinong Obispo na bumigkas ng imbokasyon sa pagbubukás ng Philippine Assembly.
Naglingkod siyang pari sa loob ng 34 taon at tatlong taon bilang obispo bago namatay noong 4 Setyembre 1907.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Jorge Barlin: Unang Obispong Filipino "