Saan matatagpuan ang lawang bato?
May lalim itong 8 metro. Matatagpuan ito sa bayan ng Bato sa lalawigan ng Camarines Sur sa timog-silangang bahagi ng Luzon.
Bumubuhos ang lawa sa isang sangay ng Ilog Bikol, na siya namang bumubuhos sa dagat sa Lungsod Naga. Pinaliligiran ito ng mga pinak at kagubatan.
Bahagi ito ng tinatawag na Rinconada Lakes System, na kinabibilangan din ng Lawang Buhì at Lawang Baao-Bula. Ang tatlong lawa, lalo ang mga palaisdaan dito, ang ilan sa pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan ng mga mamamayan.
Matatagpuan sa Lawang Bato ang sinarapan (Mystichthys luzonensis), ang pinakamaliit na isdang hinuhuli para ipagbili sa buong daigdig. Bukod sa sinarapan, ginagamit din ang lawa bilang palaisdaan ng tilapya, hipon, at hito.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Saan matatagpuan ang lawang bato? "