Alam mo ba na ang isa sa pinakamatandang bato sa Pilipinas ay nabuo noong panahong nabubuhay pa ang mga dinosaur?


Noong panahong iyon, ang ating bansa ay nakalubog pa sa ilalim ng dagat na siya ring dahilan kung bakit walang makikitang dinosaur fossil dito. Sa Dignayan Biyernes ngayon ng , ating tuklasin ang mga batong ito na kilalá bílang “Jurassic sandstone.”


Ang Jurassic sandstone ay kabílang sa Pormasyong Mansalay na siyáng bumubuo sa basement ng timog-kanluran ng Mindoro. Ito ay isang yunit ng sandstone na naglalaman ng iba’t ibang uri ng fossil na katulad ng basag-basag at hiwa-hiwalay na kabibe, mga belemnite at mga ammonite.


Nagawang matukoy ng mga siyentista na ang mga batong ito ay nabuo sa pagitan ng 201 hanggang 145 milyong taon na ang nakalipas, kilalá bílang panahon ng Jurassic, sa pamamagitan ng mga fossils na nilalaman nito. Ito ang dahilan kung bakit ito ay tinaguriang Jurassic sandstone.


Kung nais ninyong itong makita kasáma ang iba pa sa mga interesanteng koleksiyon ng Pambansang Museo ng Pilipinas, bisitahin eto kapag ligtas na. Ngunit sa ngayon, Malugod muna kayo sa handog na Museyo Sa Tahanan ng Pambansang Museo ng Pilipinas.


Pinagmulan: Teksto at kaakibat na imahen ay mula sa Dibisyon ng Dignayan Paleyontolohiya Pambansang Museo ng Pilipinas (2021)


Mungkahing Basahin: