Duwende
Ang duwende, mula sa Espanyol na duende, ay isang uri ng nilalang na may sobrenatural na kapangyarihang katulad ng mga engkantada, diwata, at tiyanak.
Naiiba ang duwende sa lahat ng mga pantastikong nilalang dahil napakaliit nito kaya mahirap mapansin.
Sa kuwentongbayan ng mga Espanyol, maaari itong isang hukluban o isang musmos. Ngunit sa Pilipinas, palagiang larawan nito ang isang napakaliit na tao, sa isang matanda ang mukha, malalaki ang mata, at mahahaba ang tainga, at mapagbiro.
Gayunman, malaki ang posibilidad na hatid ng kolonyalismong Espanyol ang paglalarawan ng mga Filipino sa duwende.
Pinaniniwalaang nakatira ang mga duwende nang pangkat-pangkat, kaiba sa nuno-sa-punso na nag-iisa, sa isang lihim na pook sa bahay o sa isang lihim na tahanan sa kagubatan.
May mga salaysay din hinggil sa angking kasipagan ng mga duwende, kaya may kuwentong-bayan hinggil sa naimbak na ginto o kayamanan ng mga duwende sa ilalim ng lupa. Masasaya silang tila mga langgam na nagmimina sa ilalim ng lupa.
Ngunit may istorya din ng paghihiganti ng duwende kapag hindi sinasadyang nasaktan ng isang tao. May mga duwende ding mapaglaro at ginagawang katatawanan ang pagtatago ng maliliit na gamit sa isang tahanan. Kaya sinasabing kapag nawala ang laruan ng isang bata ay kinuha ito ng duwende.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Duwende "