Ang kapre ay isang maalamat na higanteng nananabako at karaniwang matatagpuang nakaupo sa itaas ng punongkahoy.


Umaatungal ito o humuhuning parang ibon. May kakayahan din itong magbago ng laki o itsura na kadalasa’y tulad ng kabayo.


May nagsasabing nagmula sa mga mangangalakal na Arabe ang paniniwala sa mga kapre.


Ang katawagan ay maaaring mula sa salitang Persiyano na Kafir, isang taong hindi naniniwala sa Islam, o kafari, multo ng isang pinatay na Negro. Ang kuwentong ito ay kumalat sa Europa hanggang sa tawaging capre sa Espanya. Nang makarating sa Filipinas, tinawag itong kapre.


Karaniwang nagsisilbing panakot ng matatanda sa mga batang ayaw matulog tuwing tanghali ang kapre. Kaya nang lumaon ang naging paglalarawan ng kapre ay isang higanteng bata na nakalampin at malimit na mapanghi. Ang sinumang batang ayaw sumunod sa magulang o sa kaniyang yaya ay kukunin daw ng mga kapre at dadalhin sa kanilang daigdig.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: