On
Ang gangsa ay instrumento na gong ng mga katutubong kultura sa Cordillera Administrative Region (CAR).


Ang gangsa ay gawa sa bakal, copper brass, o bronse kung sinaunang gamit. Pangunahing instrumento ang gangsa sa mga sayaw at ritwal ng mga Igorot.


Ito ay may iba’t ibang sukat ng bĂ­log na nagbibigay ng iba’t ibang tunog, tayming at ritmo depende sa nagsasayaw sa partikular na layunin ng ritwal.


Umiikot ang mga sumasayaw na lalaki habang tinutugtog ang gangsa. Kapag pinatugtog ang gangsa, pinaniniwalaang kailangang sabayan ng pagpatay ng mga hayop na gagamitin sa ritwal na kanyaw upang bumaba at makiritwal ang mga kaluluwa ng mga patay at mga ninuno ng komunidad.


Ang gangsa ng Kalinga at Kankanaey ay tinatawag na gangha sa Ifugaw at kalsa naman sa Ibaloy.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: