Bopis
On Pagkain
Ang bopis ay putaheng may baga, puso, bato, atay, at iba pang lamanloob ng baboy o baka na hiniwang maliit at iginigisa sa suka, paminta, at bawang. (Ang atay at utak ay ginagamit para sa isang katulad na pagkain, ang sísig ng mga Pampanggo.)
Maanghang-anghang ang bopis at maaaring mamasamasa o tuyo. Dahil sa mga ginamit na sahog, may kakaiba itong lasa at lambot, ngunit kailangan ding maibsan ang amoy ng baga. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapakulo nito sa panlutong alak, dahon ng pandan, at iba pang pampabango.
Tulad ng sisig, paborito itong pagsaluhan bilang pulutan ng mga Filipino. Kinakain din ang bopis bilang ulam pananghalian o hapunan. at masarap sabayan ng mainit na kanin o pansit. Tinatawag din itong kandíngga sa Bikol at pulutok sa mga lugar na Kapampangan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bopis "