Barkilyos
May mga barkilyos din na mas malaki at mas mahaba. May barkilyos na manipis ang balat at madaling madurog; mayroong makapal at kaylutong kagatin.
Gawa ito sa arina, gatas, at asukal. Tinatawag din itong wafer roll sa labas ng bansa. Hindi basta-basta ang paggawa ng barkilyos, dahil kailangan ng tinatawag na wafer iron, o barkilyera, na panghulma ng arina. Iniluluto ito hanggang maging kulay kayumanggi at inirorolyo habang mainit pa.
May mga barkilyos na may dagdag lasa, tulad ng ube at pandan. Kapag sinisidlan ng pulbos ng pulburon, ang tawag na dito ay barkiron (mula sa barquiron/barqueron). Puwedeng kainin ang barkilyos nang walang kasabay na ibang pagkain, at masarap din itong ipareha sa ice cream o sawsawang matamis na tulad ng tsokolate.
Kadalasang nakikita ang barkilyos sa mga palengke at bilihan ng pasalubong. Kalat ito sa buong bansa, ngunit kilala ang Iloilo bilang mahusay na pagawaan nito. Pinakamainam kainin ang barkilyos kapag kakabili, dahil nagiging makunat ito sa pagtagal ng panahon.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Barkilyos "