Asosena
Mapaglaro ang pangalan ng naturang pagkain.Sa isang banda, pinagdudugtong nito ang “aso” at “sena” (mula sa cena ng Espanyol na nangangahulugan ng pagkaing hapunan.)
Sa isa pang banda, ipinahihiwatig nito ang sarap sa halimuyak ng bulaklak na “asusena.”
Sinasabing sumikat ang salitang asosena dahil sa pelikulang “Asucena” na isinulat ni Enrique Ramos at idinirehe ni Carlos Siguion-Reyes noong 2000, bagaman matagal na itong nilikhang pangalan sa paboritong pulutan ng mga lasenggo.
Karaniwan itong pulutan sainuman. Gayunman, may mga pook na mahilig sa asosena bilang ulam.
Sinasabing mainam itong pampababa ng presyon ng dugo. Itinuturing itong di gaanong makolesterol dahil ang karne ng aso ay mapula-pula na maputi-puti, may maninipis na taba, at medyo matigas at mahibla.
Malaganap ang pagpatay at pagkain sa mga aso dahil na rin sa mura ito kaysa iba pang pagkukunan ng karne. Inilalaga ang karne, ngunit higit na popular ang kaldereta, lalo na ang kompleto sa rekadong pampalasa.
Ipinagbabawal sa Pilipinas simula noong 1998 ang pagkain ng karne ng aso. Ayon sa Republic Act No. 8485 o mas kilala bilang ang Animal Welfare Act, bawal patayin at kainin ang aso maliban na lamang kung bahagi ng mga panrelihiyong ritwal tulad ng mga isinasagawa ng ilang katutubong pangkat sa Hilagang Luzon.
Sa Metro Manila, pinagtibay pa ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ordenansa bilang 8205, na nagbabawal sa pagkain at pagbebenta ng karne ng aso.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Asosena "