On
Ano ang eskabetse?


Mula sa Espanyol na escabeche, ang eskabetse ay isang lutong Filipino na pritong isdang may sarsang tamis-asim-anghang.


Malimit itong mapagkamalan sa may katulad na pangalang lutong Mehikano, ngunit higit na Tsino ang lasa nito. Kapuwa atsarang isda ang lutuing Filipino at Mehikano dahil ginagamit ng suka at katas ng limon o dayap ang isda. Ngunit hilaw na isdang ibinabad sa katas ng limon ang Mehikanong escabeche.


Sa Pilipinas, ginagawa ding eskabetse ang ibang karneng gaya ng baboy o manok. Bilang dagdag na lasa at palamuti, ang prito ay pinaliligiran ng ensaladang hiniwang carrot, pipino, at labanos.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: