Bantong
Ang Ibalon ay pinaniniwalaang sinaunang pangalan ng Bikol at isinusulat din itong “Ibalong.”
Tatlo ang bayani sa salaysay: sina Baltog, Handiong, at Bantong. Sila ang nagtatag ng unang pamayanan sa Ibalon at naging tagapagtanggol laban sa mga dambuhalang hayop at nilalang.
Unang tinalakay ang kabayanihan ni Baltog na nang tumanda ay pinalitan ni Handiong. Higit na maraming pakikipagsapalaran si Handiong kaya itinuturing siyang pangunahing bayani ng Ibalon.
Kaibigan ni Handiong si Bantong at si Bantong ang pumatay sa halimaw na si Rabut.
Si Rabut, isang halimaw na kalahating tao at kalahating hayop, ang naging malaking problema sa Ibalon. Malakas ang kaniyang kapangyarihan at kaya niyang gawing bato ang mga tao at pasunurin ang iba pang hayop para salakayin ang bayan.
Maraming mandirigma ang sumubok pumatay kay Rabut ngunit naging bato lamang sila. Ginawang misyon ni Bantong ang pagpatay sa halimaw. Kasáma ng iba pang mandirigma, hinanap niya ang tahanan ng halimaw.
Hindi niya agad kinalaban si Rabut at sa halip ay pinag-aralan ang buhay at ugali nito. Nalaman niyang natutulog ang halimaw kung araw at gising kung gabi. Inabangan ni Bantong ang malalim na pagtulog ni Rabut at saka niya sinaksak hanggang mamatay.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bantong "